MALASAKITAN SA PANAHONG NG PANDEMYA NG 2 MAGKASINTAHAN PARA SA 3 BATA

MALASAKITAN SA PANAHONG NG PANDEMYA NG 2 MAGKASINTAHAN PARA SA 3 BATA

February 15, 2022 @ 2:00 PM 5 months ago


HUMAHANGA ako sa aking mga kaibigan na magkasintahan na sina Paps Renz Marion Chavez at Moms Sheryll Anne Mempin sa kanilang akto ng pagmamalasakit at kawanggawa sa tatlong batang lalaki na sampaguita vendors na kanilang napasaya. Nawa ay marami pa ang katulad ninyo. GOD bless sa inyo at Mabuhay kayo!

Basahin ang kabuuang istorya, narito ang isinasaad sa social media post ni Moms Sheryll Anne Mempin;

**************************************

3 little boys selling sampaguita;

Habang kumakain kami ng lunch may bata pumasok sa Jollibee. ‘Yung bata na may hawak na sampaguita is hiding behind the stairs at nagbigay siya ng sign na ‘wag kaming maingay. Nung umalis na ‘yung crew inalok namin s’ya ng drinks, kinuha naman n’ya.

Later, may 2 bata na kumatok sa amin sa salamin at dun namalayan ng crew na may bata na nakapasok sa Jollibee.

Pinalabas na ng crew ‘yung bata na nakapasok sa Jollibee kase bawal sa loob ang bata.

Nung nasa labas na sila kumatok silang tatlo sa salamin. Nakikipagkulitan samin, inalok ni Renz kung gustong kumain, tumango ng Oo.

Umorder kami ni Renz ng tatlong C1 para sa 3 bata. When we’re waiting for the order nagtanong kami sa crew kung pwede kumain mga bata which is alam namin na bawal talaga, nagbabakasakali lang. “Hindi po talaga pwede ma’am/sir”. So, that time inantay na lang naming ang order namin para sa 3 bata. Habang nasa waiting area ako, si Renz naman ay nag-aantay sa table kung saan kami kumain. Renz heard that ” waiter paalisin mo ‘tong mga bata sa labas” sa isip-isip ni renz ” bata lang mga ‘yan, gusto ring makakain at makatikim ng chicken”. Ang ginawa ni Renz lumabas sya sinamahan n’ya ‘yung mga bata sa labas para hindi paalisin/itaboy.

Nung nakuha ko na yung order lumabas na ako at binigay na namin ni Renz ang foods. ‘Yung mga bata ang saya tingnan kasi akala nila yung tira namin ibibigay sa kanila but its a BIG BIG NO! Nagulat ‘yung mga bata na chicken ‘yung kakainin nila.

“Ate salamat po”

“Kuya salamat po”

“Eto ba yung gravy”

“Sarap naman”

Bago kami umalis may sinabi si Renz sa mga bata

” Mga bata ‘pag kayo naman ang nagkapera ‘wag n’yong  kalilimutang magbigay sa mga walang wala.”

I just wanna share this little story about the 3 kids na nagbebenta ng sampaguita sa init ng panahon kanina. Keep it up sana makabenta kayo ng marami pang sampaguita.

To my love, napakabuti mo sa mga tao kilala man o hindi. I’M ALWAYS BE PROUD OF YOU!

*****************************************

Sa panahong ito ng pandemya ay napakahalaga ang mga katangiang tulungan, malasakitan at kabayanihan. Sa ganitong paraan, nakapag ambag ang magkasintahang Paps Renz at Moms Sheryll sa mga musmos na bata na kanilang napasaya.

Nawa ay maging inspirasyon sa iba at pamarisan ng nakararami ang aral sa kwentong tulungan, malasakitan at kabayanihang ito sa panahon ng pandemya.

Maraming salamat sa inyo Paps Renz Marion Chavez at Moms Sheryll Anne Mempin. GOD bless sa inyo at Mabuhay kayo!