Malawakang balasahan sa SRA ikakasa ni PBBM

Malawakang balasahan sa SRA ikakasa ni PBBM

August 17, 2022 @ 5:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magsasagawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malawakang balasahan sa Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution.

Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, na ang nakaambang na reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng sugar industry ng bansa ay maaaring matapos ngayong linggo.

Layon din ng nasabing hakbang na malaman kung Ilan ang suplay ng asukal sa bansa at kung kinakailangan pa na mag-angkat nito sa panahon ngayon.

“We’ll reorganize the SRA and then we will come to an arrangement with the industrial consumers, with the planters, the millers, suppliers of the sugar to coordinate para talaga kung ano ’yung mayroon, kung ano ’yung available, mailabas na sa merkado,” ani Pangulong Marcos.

“‘Yung kulang, eh kunin na natin, kunin na natin. Mag-import na tayo. Mapipilitan talaga tayo.” dagdag na pahayag nito. Kris Jose