Malawakang job fair muling ikakasa ng PH gov’t sa Araw ng Kalayaan

Malawakang job fair muling ikakasa ng PH gov’t sa Araw ng Kalayaan

May 7, 2022 @ 11:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling magsasagawa ang pamahalaan ng job fair sa Independence Day, ayon sa isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Biyernes.

“Ang susunod po natin ay iyong Independence Day naman po which is on June 12, mayroon din po tayong malawakan na job fair,” ani DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay sa Laging Handa public briefing.

Umarangkada nitong Mayo 1, Araw ng Paggawa, ang job fair ng pamahalaan kung saan 153,000 domestic at overseas na trabaho ang pinilahan ng mga aplikante.

Aniya, karamihan sa mga bakanteng trabaho ay sa manufacturing sector.

“In terms of na-fill up-an na mga vacancies po, marami po iyong sa manufacturing sector lalung-lalo na po doon po sa mga production operators. And then sa retail trade naman po, mayroon pong sales clerks, iyong admin staff; and then pagdating po sa construction, iyon pong ating mga construction workers po,” pahayag ni Tutay. RNT/SA