Malawakang NCR lockdown vs Delta variant, inayawan ng NCR mayors: lugar-lugar na lang

Malawakang NCR lockdown vs Delta variant, inayawan ng NCR mayors: lugar-lugar na lang

July 22, 2021 @ 10:02 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ipinagpalagay ng mga alkalde sa Metro Manila na kumakalat na sa National Capital Region (NCR) ang mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Kaugnay nito, magpapatupad ang mga alkalde ng istriktong COVID-19 health at safety measures sa rehiyon para mapigilan ang posibleng lalong pagkalat ng virus.

“We assume that we already have the Delta variant so we are able to prepare and get ready for the worst,” ani Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos, nais ng lahat ng 17 alkalde sa NCR na ipagbawal muli ang paglabas sa bahay ng mga bata, sampung araw ang nakakaraan matapos na payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga edad 5-taong gulang pataas na makapunta sa mga parke at iba pang open spaces.

Gayunman, hindi inirerekomenda ng MMC na i-quarantine muli ang buong NCR sa halip ay magpapatupad na lamang ng granular lockdowns sa mga lugar na may clustering ng Delta variant. RNT


  •  
  •  
  •