Malawakang pagbabago sa NAIA, atas ni Poe

Malawakang pagbabago sa NAIA, atas ni Poe

December 13, 2022 @ 11:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matinding pinalagan ni Senador Grace Poe ang kalunos-lunos na serbisyo at kakulangan ng ginhawa na nararanasan ng manlalakbay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sanhi ng ilang palpak ng serbisyo sa pambansang paliparan.

Sa kanyang privilege speech, ginamit ni Poe ang TikTok post ng isang Dutch traveler na nahirapang magbayad sa ilang airport concessionairs na hindi tumatanggap ng cashless transactions.

Binanggit pa ni Poe ang ilang masamang record ng NAIA mula 2011 hanggang 2015 nang mapasama ito sa listahan ng “worst airport” ng “Sleeping in Airports” website; 8th worst airport ng “Wall Street Cheat Sheet,” “worst business class airport” nitong nakaraang Mayo worldwide luggage app “Bounce” at nitong nakaraang buwan ng 1500 Google reviews na natuklasan ang pambansang paliparan na nasa ikatlong most stressful airport sa Asya at Oceania.

Matindi pa dito, ayon sa senador, napakahirap humanap na masasakyan na umaabot ng ilang oras bago ka makakuha ng anumang uri ng transportasyon tulad ng taxi at paupahang kotse.

“This means that, for a large number of travelers to our country, NAIA is the court of first impression. Tourists may have been enticed by our sunny coastlines, delicious food, and friendly smiles. But upon landing, it is NAIA which first greets them. NAIA is where we should be putting our best foot forward,” ayon kay Poe.

“NAIA has a capacity to receive 35 million passengers a year covering 250,00 flights.
In 2019, however, passengers passing through the airport, have reached to 47.88 million and actual flights also ballooned to 277,300 flights, dagdag ni Poe.

“Space is becoming increasingly scarce in the whole NAIA complex… In other words, our primary aerial entry point is now a major chokepoint. Simple lang po ang hatol sa NAIA: tinimbang ngunit kulang pa rin,” hirit pa ng senador na pawang chairman ng Senate public service committee.

Dahil sa hindi nagbabagong negatibong imahe at kawalan ng pagbabago sa airport, ipinanawagan ni Poe sa Department of Transportation nan lumikha kaagad ng programa at proyekto na magpapaunlad at magpapabuiti sa kalidad ng sebisyo ng paliparan.

Dapat aniyang kasama sa pagbabago ang pag-aaral hinggil sa on-time motion kung ilang oras ang proseso ng ilang pasahero sa pangangailangan ng paglalakbaty sa paliparan bago makasakay ng eroplano.

Kabilang sa proseso ang pagdadaan sa X-ray machines, pila sa imigrasyon, check-ins at iba pa.

“All these tediousness add to the painfully long three to four hours boarding procedure, which is sometimes even longer than the flight time itself. We should stop this ridiculousness all at once using actual data to improve passenger experience,” ani Poe.

Iminungkahi din ni Poe na dapat magkaroon ng cashless payment methods at automated teller machines (ATMs) sa lahat ng airport upang mapabuti ang kalidad ng serbisyo.

“All these will lead to passenger convenience that will spur more visitors and economic activities,” aniya.

Hinikayat din ng mambabatas ng kasamahaan na suportahan ang kanyang Senate Bill No. 1073 sa paglikha ng Philippine Airports Authority upang mapaunlad ang sistema at payagan ang CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) na pagtuunan ang tungkulin nito sa pamamahala ng operasyon ng aviation industry.
Ernie Reyes