Malawakang pagbalasa, reporma sa CAAP ikasa na – Angara

Malawakang pagbalasa, reporma sa CAAP ikasa na – Angara

January 9, 2023 @ 7:04 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kailangan nang magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa problemang teknikal sa air traffic system ng bansa na lumumpo sa operasyon sa pangunahing paliparan sa pamamagitan malawakang pagbalasa at reporma sa (CAAP), ayon kay Senador Sonny Angara.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na habang naghahanda ang Senate committee on public services sa isasagawang imbestigasyon sa technical glitch pagpasok ng bagong taon na nakaapekto sa mahigit 65,000 pasahero, dapat nakapokus ito sa dalawang pangunahing isyu – pagtuturo sa pananagutan at dapat matiyak na naisagawa ang kaukulang kapasidad ng sistema at mapalakas ang ahensiya na maghanda at tumugon sa ganitong pangyayari, na bihirang nangyayari.

Iginiit din ni Angara na dapat isama sa tatalakayin ang Senate Bill No. 1003 na kanyang inihain noong Agosto 2022 sa isyu na huhukayin sa isasagawang imbestigasyon.

“We first filed the bill way back in 2018 upon the recommendation of the Safe Travel Alliance, with inputs from the CAAP. We refiled the bill in the current 19th Congress in recognition of the need to strengthen the CAAP as part of the efforts to ensure the safety, reliability and efficiency of air transport in our country,” ayon sa Senador.

Sinabi ni Angara na kailangan magkaroon ng reporma sa umiiral na batas, ang Republic Act 9497 o ang batas na lumikha sa CAAP na naisabatas noong 2008 upang tugun an ang pagkukulang sa superbisyon at pamamahala sa aviation industry ng bansa.

Nakatakda sa SB 1003, dalawang bagong miyembro ang idadagdag sa CAAP board partikular ang Secretary of Tourism at Secretary of National Defense.

Uupo din sa CAAP board ang dalawang kinatawan ng pribadong sektor na itatalaga ng Palasyo.

“CAAP’s fiscal autonomy will be enhanced with the grant of an exemption from the coverage of Republic Act 7656 or the Dividend Law so that it could maximize the use of its revenues,” ayon kay Angara.

Iginiit pa niya na nanawagan din ang panukala na gawing exempted ang CAAP sa sakop ng Governance Commission for GOCCs (GCG) Law at Salary Standardization Law bilang konsiderasyon sa “highly technical nature” ng tungkulin ng ahensiya.

“The technical glitch that took place last January 1 was a wake-up call for all of us about the need to address the gaps in our air transport systems and the CAAP is front and center in all of this, which is why we have to institute the necessary reforms to provide the agency the tools necessary to effectively fulfill its mandate,” ayon kay Angara. Ernie Reyes