Malay LGU naghahanda na vs oil spill sa Boracay

Malay LGU naghahanda na vs oil spill sa Boracay

March 8, 2023 @ 1:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang posibilidad nang pag-abot ng oil spill sa Oriental Mindoro, patungo sa pamosong isla ng Boracay.

“Sa ngayon, close coordination kami sa Philippine Coast Guard. Nagbigay na rin sila ng oil spill boom, para ma-deploy sa karagatan namin,” pahayag ni Governor Jose Enrique Miraflores nitong Miyerkules, Marso 8.

“Yung municipality of Malay, gumagawa na rin sila ng…rice straw, yung dayami…yun kasi yung sinabi ng coast guard na dapat may dayami din shoreline, specially ng Boracay,” dagdag pa niya.

Ilang tourism spots na ang apektado ng oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon sa mga eksperto, nasa mahigit 36,000 ektarya na ng coral reef, bakawan at seagrass ang apektado ng naturang trahedya.

Ang oil spill ay dulot ng paglubog ng motor tanker na MT Princess Empress sa dagat na sakop ng Naujan noong Pebrero 28, kung saan may sakay itong nasa 800,000 litro ng industrial oil. RNT/JGC