Malaysia, Indonesia pinag-iisipang isama sa travel ban – IATF

Malaysia, Indonesia pinag-iisipang isama sa travel ban – IATF

July 7, 2021 @ 3:02 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng pandemic response task force ang posibleng pagsama sa Indonesia at Malaysia sa travel ban upang maiwasan ang pagkalat ng Delta variant, batay kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Indonesia and I think also Malaysia (may be included) because of the proximity of the said countries to the southern parts of the Philippines and the porousness of the borders,” saad ni Duque.

“There’s always that possibility. Remember that the Delta variant is detected in 85 to 90 countries worldwide.”

Dapat aniya ikonsidera ang attack rate na naitala sa bawat 100,000 populasyon sa nagdaang lingo.

Maisasapinal naman ang desisyon ng IATF sa Huwebes.

Kasalukuyang kasama sa travel ban ang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman, at United Arab Emirates hanggang Hulyo 15. RNT/FGDC