Malaysia isasailalim sa pambansang lockdown vs COVID-19

Malaysia isasailalim sa pambansang lockdown vs COVID-19

May 29, 2021 @ 9:01 AM 2 years ago


KUALA LUMPUR, Malaysia – Isinailalim ang bansang Malaysia ni Prime Minister Muhyiddin Yassin sa pambansang lockdown simula sa Hunyo 1 hanggang Hunyo 15 makaraang sumipa ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease-10 o COVID-19.

Lahat ng mamamayan ay hindi na papayagang lumabas ng bahay maliban lang ang mga may dala ng “essential services.”

Kabilang sa essential services ang pagdadala ng mga pagkain at gamot at pagdadala at paggamot ng mga maysakit sa mga ospital. .

Ayon sa mga ulat, apat na araw nang mataas ang biktima ng COVID-19 at kahapon lamang, nagkaroon ng 8,290 kaso at 51 patay. Fred Cabalbag