Malaysia PM Anwar, bibisita sa Pinas sa Marso 1

Malaysia PM Anwar, bibisita sa Pinas sa Marso 1

February 27, 2023 @ 10:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para sa isang pag-uusap kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  naglalayong palakasin ang  bilateral relations sa pagitan ng Maynila at  Kuala Lumpur.

Ang  one-day official visit  ni Anwar sa Pilipinas, Marso 1, araw ng Miyerkules, ayon sa senior Philippine officials at diplomats ay ang kauna-unahang pagbisita ni Anwar sa bansa sa kanyang kasalukuyang kapasidad mula nang manumpa siya bilang pang-10 prime minister noong Nobyembre 24, 2022.

“He will meet with President Marcos and deliver a public lecture and have other engagements,” ayon sa panayam sa Philippine officials and diplomats.

Kagyat naman na aalis ng Pilipinas si Anwar sa Marso 2.

Isang  long-time opposition leader,  sinabi ni Anwar, 75, sa kanyang Twitter  na ang Malaysia at ang Pilipinas “always enjoyed strong cooperation on bilateral, regional and multilateral forums.”

Samantala, inaasahan naman na pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Anwar  kung paano mas palalakasin pa ang “political, economic at security ties” sa pagitan ng dalawang bansa at maging ang talakayin ang regional at global issues.

“A press statement will be issued after their meeting,” ayon sa opisyal. Kris Jose