Malaysia, US tumulong na sa paghahanap ng nawawalang PH Medevac

Malaysia, US tumulong na sa paghahanap ng nawawalang PH Medevac

March 7, 2023 @ 8:47 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumulong na ang gobyerno ng Malaysia at US sa Pilipinas sa search and rescue (SAR) operations nito para sa nawawalang medical evacuation helicopter sa Palawan, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Lunes.

Sinabi ng CAAP-Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) na nakipag-ugnayan sila sa Palawan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS) hinggil sa dalawang Cessna 182 na eroplano na may flight number na N5256N at N81708 na nagsasagawa ng isang aerial search sa Kota Kinabalu at sa US Department of Defense CL60 aircraft na may registry N7700 at callsign MAUI101.

Noong Marso 1, iniulat ng ahensya na ang isang helicopter na may registry number na N45VX na pinatatakbo ng PAMAS ay nawala habang patungo sa Southern Palawan Provincial Hospital.

Sakay nito ang piloto, isang nurse, isang pasyente, at dalawang kasama.

Nauna nang natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Lumbucan Island ang mga lumulutang na debris na mukhang tangke ng gas, ngunit hindi pa makumpirma ng CAAP kung ang mga labi ay mula sa medevac chopper. RNT