Malaysian PM Anwar nanawagan ng multilateral approach sa South China Sea dispute

Malaysian PM Anwar nanawagan ng multilateral approach sa South China Sea dispute

March 2, 2023 @ 9:36 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim nitong Miyerkules, Marso 1 na dapat resolbahin sa multilateral level ang gusot sa South China Sea.

Ang usapin sa naturang isyu ang isa sa mga napag-usapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Anwar kasabay ng bilateral meeting ng dalawa sa Malacañang Palace.

“We did discuss the South China Sea issue, and I shared President Marcos Jr.’s concern that, due to the complexity and sensitivity of the issue, we should try and engage and take the position at a multilateral level between ASEAN so that we may have a comprehensive approach and achieve an amicable resolution to this outstanding problem,” ani Anwar sa joint press conference.

Isa rin ang Malaysia sa mayroong claim pagdating sa South China Sea.

Matatandaan na sa nagdaang 25th ASEAN-China Summit noong Nobyembre, nagpahayag ng pag-asa si Marcos para sa “an approved code of conduct in the very near future.”

“As such, we agreed to continue our cooperation on political and security matters, rekindling the joint commission meetings and joint initiatives to combat transnational crime and terrorism,” ani Marcos.

Inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea at sinasabing ito ay sakop ng kanilang teritoryo, ngunit pinasinungalingan ito ng the Hague tribunal noong Hulyo 12, 2016 kasunod ng kasong inihain ng Pilipinas noong 2013.

Sa kabila nito, hindi naman pinansin ng Beijing ang naturang ruling at patuloy pa rin sa mga aktibidad at panggigipit sa nasabing rehiyon. RNT/JGC