91% ng mga Pinoy aprub sa voluntary wearing ng face mask

March 28, 2023 @7:52 AM
Views: 6
MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral na malaking bilang ng adult Filipinos ang aprubado ang inilabas na Executive Order ng Pangulo na pagpayag sa boluntaryong pagsusuot ng face masks.
Kasabay nito, malaking bahagi rin sa kanila ang nagsabi na nais pa rin nilang magsuot ng face mask lalo na kung nasa labas ng bahay.
Ito ang lumabas na resulta sa Fourth Quarter 2022 study ng Social Weather Survey (SWS) kung saan 91% ang sumasang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan ang boluntaryong pagsusuot ng face masks.
Sa Executive Order No. 7 na inilabas noong Oktubre 28, 202, “Allowing voluntary wearing of face masks in indoor and outdoor settings, reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the State of Public Health Emergency relative to the COVID-19 Pandemic.”
Ang Fourth Quarter 2022 Social Weather Survey national survey ay isinagawa noong Disyembre 10 hanggang 14, 2022 sa pamamagitan ng face-to-face interview at may sample size na 1,200 sa buong bansa kasama ang sampling error margin na ± 2.8%.
Narito ang bilang ng adult Filipinos na sumasang-ayon sa EC No. 7
64% Strongly approve
27% Somewhat approve
4% Undecided
3% Somewhat disapprove
1% Strongly disapprove
Samantala, 54% ang nagsabi na nais pa rin nilang gumamit ng face mask kung aalis ng bahay:
54% Always
22% Most of the time
15% Sometimes
8% Rarely
1% Never
Sa kabuuang Filipino household heads, 91% ang nagsabing payag sila sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa mga bata sa face-to-face classes:
65% Strongly agree
26% Somewhat agree
3% Undecided
3% Somewhat disagree
2% Strongly disagree
Ayon sa datos mula sa mga sambahayan na may anak na nag-aaral face-to-face, 81% o 4 sa 5 tahanan ang nagsasabing palagi pa rin nilang pinagsusuot ng face mask ang kanilang mga anak kung papasok sa eskwelahan.
81% Always
11% Most of the time
5% Sometimes
3% Rarely
0.5% Never. RNT/JGC
Iba pang suspek sa pagdukot, pagpatay sa lalaki sa QC tinutugis na ng PNP

March 28, 2023 @7:39 AM
Views: 12
MANILA, Philippines – Tinutugis na ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang Filipino suspects na sangkot umano sa pagdukot at pagpatay sa isang lalaki sa Quezon City.
Ayon sa ulat, bago pa rito ay naaresto na ng PNP ang tatlong Chinese at isang Vietnamese na may kaugnayan sa kidnap-for-ransom.
“May mga pangalan na po na hawak ang AKG (Anti-Kidnapping Group) at yan po yung tinutunton po nila,” sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo.
Tumanggi naman na magbigay pa ng mas maraming impormasyon si Fajardo dahil nagpapatuloy pa ang manhunt sa mga suspek.
Aniya, posibleng sindikato ang nasa likod ng krimen dahil hindi ito ang unang pagkakataon na naitala ang naturang modus.
“Maaaring tong grupo nato ay siya ring may kinalaman dun sa mga previous kidnapping case kung saan ay pinuputulan nila ng parte ng katawan kagaya ng daliri po at yun po yung pinapadala nga po sa pamilya,” pagbabahagi pa ni Fajardo.
Sa ulat, sinabi ng PNP-AKG na humingi ng P10 milyon na ransom sa pamilya ng biktima ang mga suspek matapos itong pwersahang isakay sa loob ng sasakyan sa Roosevelt Avenue noong Marso 18.
Sa kabila ng pagbabayad, natagpuan pa ring patay ang biktima sa Tanza, Cavite noong Marso 22 at nakabalot ng duct tape ang ulo nito habang nawawala naman ang isang binti niya.
Ani Fajardo, patuloy na makikipag-ugnayan ang PNP sa Filipino-Chinese community, sabay-sabing sila ay “on top of the situation” sa mga kidnapping case. RNT/JGC
Kampo ni Teves umapela sa Kamara, suspensyon alisin na

March 28, 2023 @7:26 AM
Views: 15
MANILA, Philippines – Humiling ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnold “Arnie” Teves, Jr. na alisin na ang 60-day suspension na ipinataw ng Kamara laban sa mambabatas.
Ayon sa kampo ni Teves, walang physical proof na maibibigay upang patunayan na may banta nga sa kanyang buhay maging sa kanyang pamilya.
Sa sulat na ipinadala ng legal counsel ng kongresista na si Atty Ferdinand Topacio, sa House Committee on Ethics and Privileges, sinabi nito na ang banta sa buhay ni Teves ay sa ilalim ng “unavoidable circumstances which prevent his physical presence in the sessions of the House, hence, an exempting circumstance under Sec.71, Rule IX of its Rules.”
“A belief that one’s life is threatened does not always come with demonstrable proof. It could be [a threat] by inference from circumstances that are not susceptible to tangible proof, as in this case,” sinabi ni Topacio.
“Yet, everyone has a right to be cautious about the threats he perceives against his life,” dagdag pa niya.
Noong nakaraang linggo ay pinagbotohan ng Kamara na suspendihin si Teves ng 60 araw dahil sa hindi nito pagdalo sa mga sesyon, kasabay naman ng criminal complaints na inihain laban sa kanya sa serye ng mga pagpatay sa Negros Oriental noong 2019.
Iniuugnay din si Teves sa pagpatay kay Negros Oriental Rep. Roel Degamo.
“With these, and the expressed intention and standing commitment of Representative Teves to participate in the sessions, there is no refusal to discharge his duties nor disrespect the authority and dignity of the Honorable Congress,” giit ni Topacio.
“It is, thus, most respectfully prayed that the said suspension be lifted and Rep. Teves be allowed to participate in the sessions and discharge his duties as a member of Congress, virtually in the meantime,” pagtatapos nito. RNT/JGC
1,238 motorista huli sa unang araw ng exclusive motorcycle lane

March 28, 2023 @7:13 AM
Views: 19
MANILA, Philippines – Mahigit 1,000 motorista ang nahuli sa unang araw ng full implementation ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Marso 27.
Sa datos ng MMDA, hanggang tanghali ng Marso 27 ay umabot na sa 1,238 na mga sasakyan ang napara nila.
Sa nabanggit na bilang, 482 sa mga ito ang motorsiklo at 757 ang pribadong sasakyan.
“Nasa kabuuang 1,238 na mga motorista ang nahuli mula umaga hanggang ngayong tanghali ng unang araw ng full implementation ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa bahagi ng Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa,” sinabi ng MMDA sa isang Facebook post.
Ayon sa MMDA, ang exclusive motorcycle lane ay matatagpuan sa ikatlong lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue.
Layon ng bagong polisiya na mabawasan ang motorcycle-related road crash at mapabilis ang daloy ng trapiko.
Bago nito ay nagkaroon muna ng 11-day pilot testing ang MMDA para sa exclusive motorcycle lane, mula Marso 9 hanggang Marso 26. RNT/JGC
Korean Coast Guard na tutulong sa oil spill cleanup, darating ngayong araw!

March 28, 2023 @7:00 AM
Views: 19