Malditas ginulat ang Australia sa AFF Women’s Championship

Malditas ginulat ang Australia sa AFF Women’s Championship

July 5, 2022 @ 3:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Gumawa ng kasaysayang panalo ang Filipinas football team na Malditas nang talunin ang Australia 1-0 sa unang laban nito sa AFF Women’s Championship.

Bumida sa panalo si Sarina Bolden ng kumana ito ng isang goal mula sa pasa ni Eva Madarang sa laban na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Naging pamosong pambato rin ng Malditas sa naging panalo ang kanilang goalkeeper na si Olivia McDaniel na nabantayan ang pagtatangka ng Australian Matildas.

May tsansa pa sana na maka-goal ulit ang Malditas sa 77th minute subalit nadepensahan ito ng Australian Matildas.

Susunod na haharapin ng Malditas ang  Singapore na gaganapin sa Rizal Memorial habang ang U23 Australians ay masusubukan ang Thailands sa Cavite.JC