Malditas target ang semis sa 2020 AFC  Asian Cup

Malditas target ang semis sa 2020 AFC  Asian Cup

January 29, 2022 @ 10:04 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Matapos umusad sa quarterfinals na durugin Indonesia sa 2022 AFC Womens’ Asian Cup sa Pune, India, nakatuon naman ngayon ang atensiyon ng PH women football team na Malditas sa semifinals.

Hawak ngayon ng Malditas ang 2nd place sa Group B sa kartadang dalawang panalo at isang talo.

Lider pa rin ng Group B ang Australia na mayroong tatlong panalo at wala pang talo.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Pilipinas at agad na dimonima ang laro at hindi na pinaporma ang Indonesia.

Layunin ng  ng Pilipinas na masungkit ang isa sa limang Asian slots ng 2023 FIFA Women’s World Cup.JC