Malditas vs NZ sa international friendly sa September

Malditas vs NZ sa international friendly sa September

August 24, 2022 @ 1:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines — Mapapalaban ng husto ang AFF Women’s Champions Philippine women’s national football team sa Setyembre sa isang international friendly kontra sa matikas na New Zealand.

Gaya ng inihayag ng Ford Football Ferns noong Martes, ang mga co-host ng 2023 FIFA World Cup ay haharap sa Pilipinas sa Setyembre 6 sa Cal State Fullerton (Setyembre 7 sa Manila).

Gaganapin ang friendly sa FIFA September international window.

Ayon sa sources, aalis ang mga Pinay s para sa isang training camp para sa window sa katapusan ng Agosto.

Nasa malalim na paghahanda ang Philippine booters para sa kanilang maiden stint sa World Cup sa susunod na taon.

Matapos manalo sa AFF Women’s Championship noong nakaraang buwan, sinabi ng Philippine Football Federation na maghahanda ito ng mga friendly game laban sa mga koponang nakatakda sa World Cup sa mga darating na buwan upang ihanda ang pambansang koponan.

Kasama rin sa mesa, ayon sa PFF, ang mga friendly laban sa Costa Rica, Jamaica at Uzbekistan.

Naka-rank No. 53 ang mga Pinay at galing ito sa isang kahanga-hangang laro noong pang simula ng taon.

Naging kwalipikado ang koponan para sa kauna-unahang FIFA Women’s World Cup ng bansa, nanalo ng bronze sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, at nakuha ang kauna-unahang football championship ng Pilipinas sa AFF Women’s Championship na ginanap sa bansa .JC