Male contraceptive pill 99% mabisa sa daga

Male contraceptive pill 99% mabisa sa daga

March 24, 2022 @ 2:00 PM 3 months ago


WASHINGTON, United States- Inanunsyo ng isang team ng mga siyentipiko nitong Huwebes na nakabuo ito ng isang male oral contraceptive na 99 porsyentong mabisa sa daga at hindi nagdulot ng side effects, at inaasahang isasailalim sa human trials sa pagtatapos ng taon.

Ipe-presenta ang resulta nito sa spring meeting ng American Chemical Society, na isang malaking hakbang sa pagpapalawig ng birth control options– maging responsibilidad–  sa mga lalaki.

“Multiple studies showed that men are interested in sharing the responsibility of birth control with their partners,” ani Md Abdullah Al Noman, graduate ng University of Minnesota na magpipresenta ng pag-aaral.

Subalit hanggang ngayon, nananatiling condom o vasectomy lamang ang pagpipilian para sa mga kalalakihan.

Ang vasectomy reversal surgery ay mahal subalit hindi naman laging epektibo. RNT/SA