Mali-maling datos sa PhilHealth sa mga binayarang ospital sa Luzon, sinita ng solon

Mali-maling datos sa PhilHealth sa mga binayarang ospital sa Luzon, sinita ng solon

June 4, 2021 @ 10:09 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinuna ni Isabela Rep Tonypet Albano ang ilang natuklasang pagkakamali sa rekord ng PhilHealth sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) nito sa ilang ospital sa Luzon.

Ang IRM ay ang binabayarang claim ng state insurer sa mga ospital na unang gagastos para sa paggamot ng COVID-19.

Sa naganap na congressional inquiry ng Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle ay inilahad ni PhilHealth Area Vice President Walter Bacareza ang estado ng IRM liquidation sa Cordillera Administrative Region, Regions I and II at Central Luzon na 99 % nang tapos.

Gayunpaman kinontra ito ni Albano at sinabing hindi ito nasa 99% bagkus ay delay pa nga ito.

“Gusto ko pong malaman bakit delayed po at hindi 99% na napapakita ninyo doon sa datos ninyo?  Your claim na 99% payment. I’m showing here na you are not correct. Why is there discrepancy?” Pahayag ni Albano.

Sa bandang huli ay inamin ni Bacareza na mayroon ngang mga discrepancy.

“I agree po na may discrepancy, that is why we want to reconcile with each and every hospital po. So we will be on one page. Kasi on one side, nagsasabi kami na bayad sa amin eh, nagsasabi sila na hindi bayad, [we’re saying that it’s paid on our side but they’re saying that it’s not”paliwanag ng Philhealth.

Hindi naman nagustuhan ni Albano ang pagpapalusot ng Philhealth at nagbanta pa ito ng isang pang imbestigasyon sa malong sistema ng ahensya.

“I would like to caution you that we will investigate further these claims because in light of the scams that has already rocked PhilHealth, you are still doing the same things and not paying all these claims that were due from 2020 up to now, 2021 May or June”banta ni Albano.

Binigyan ni Albano si Bacareza mg isang Linggo para ayusin ang mga discrepancy.

Matatandaan na una nang nagbigay ng katiyakan ang Philhealth na mayroon itong pondo para sa mga utang nila sa ospitals sa kabila ng reklamo ng mga ospital na nasa bilyong piso ang utang sa kanila ng PhilHealth. Gail Mendoza