Maliliit na negosyo pwedeng magpa-exempt sa wage hike order – DOLE

Maliliit na negosyo pwedeng magpa-exempt sa wage hike order – DOLE

May 16, 2022 @ 4:47 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maaaring mag-apply ng exemption mula sa inaprubahang minimum wage hike order ang maliliit na negosyo, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isang interbyu, nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaari namang magpa-exempt sa wage hike order ang mga establisyimento na nasa sampu o mababa pa ang bilang ng mga empleyado.

“Kahit na malaking businesses/enterprises, kung naging biktima ng mga calamities they can also apply for exemption,” dagdag pa ng kalihim.

Sabado nang ianunsyo ng DOLE ang pag-apruba ng wage board sa P33 na dagdag-sahod sa Metro Manila at P55 hanggang P110 na umento sa Western Visayas.

Umaasa si Bello na magpapalabas na rin ng wage increase order ang ibang regional wage board.

“Natapos na rin ang public hearings dun sa siyam na regions. So anytime now, they will also come up with their wage adjustment recommendation,” ani Bello. RNT/ JCM