Maliliit na supermarket, lugi-negosyo sa P70/kg asukal

Maliliit na supermarket, lugi-negosyo sa P70/kg asukal

August 27, 2022 @ 1:27 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pumalag ang mga may-ari ng maliliit na supermarket ngayong Sabado sa apela ng gobyerno, at sinabing hindi nila kayang ibaba ang presyo ng asukal sa P70 kada kilo.

Sinabi ni Philippine Amalgamated Supermarket Association (PASA) president Steven Cua na “unfair” sa maliliit na supermarket ang nasabing kahiligan.

Ang pagbabakasi ng presyo sa P70 ay nangangahulugan ng malaking pagkalugi na hindi nila kayang bayaran, dagdag pa ni Cua sa interbyu sa GMA.

“I find it rather unfair to ask us to lower price when, in fact, how can you do business na palugi,” aniya pa.

Ang mga malalaking supermarket ay kayang-kaya ang pagkalugi dahil mayroon silang kapangyarihan sa mga supplier, at isa pa, maaari silang humingi ng pabor sa gobyerno..

“Siyempre, baka ma-clout sila ng malalaki sa mga suppliers. At isa pa, humihingi ng pabor ang gobyerno sa kanila, utang na loob yan mamaya pwede nilang hilingin… in terms of advance tax payments,” dagdag pa ni Cua.

Matapos nito, si Cua naman ang umapela sa gobyerno.

Kami ay umaapela sa gobyerno na makipag-usap sa mga mangangalakal ng asukal upang bigyan ang mga maliliit na supermarket ng washed sugar sa halagang P68 kada kilo.

“Kahit P2 lang ang patong namin, which is not our regular price,” dagdag pa ni Cua. RNT