Maling entry sa death certificate ng mga drug war victims, iniimbestigahan na

Maling entry sa death certificate ng mga drug war victims, iniimbestigahan na

December 8, 2022 @ 7:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinakilos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation para siyasatin ang mga maling entry sa death certificates ng mga timaguriang drug war victims.

Una nang naglabas ng ruling ang Court of Appeals na nag-aatas sa Local Civil Registry ng Caloocan City na itama ang nakalagay na “cause of death” sa death certificate ni Lenin Baylon ang 9 na taong gulang na bata na namatay matapos tamaan ng ligaw na bala sa isinagawang drug war police operation noong December 2016.

Nakasaad sa kanyang death certificate na “bronchopneumonia” ang sanhi ng pagkamatay ng bata ngunit nakakita ng sapat na ebidendya ang CA namatay ito dahil sa shooting incident.

Ayon kay Remulla, maaring mayroon pang na napeke ang death certificate.

Sinabi ng kalihim na siyam na kaso pa ang iniimbestigahan ng NBI.

Isinailalim na ang mga labi sa forensic pathology batay na rin sa kahilingan ng mga pamilya ng nasawi.

Nais malaman ng DOJ kung dino ang dapat managot sa kasong “falsification”. Teresa Tavares