Malinis na halalan, maayos na paglilipat ng kapangyarihan sa 2022, tiniyak ni PDu30

Malinis na halalan, maayos na paglilipat ng kapangyarihan sa 2022, tiniyak ni PDu30

December 14, 2021 @ 8:44 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Pilipino na walang terorismo, vote buying, intimidasyon at iba pang bagay na magsisilbing hadlang sa isang tapat na halalan sa Halalan 2022.

Sa katunayan, siniguro ng Pangulo ang “credible and free” elections, at maging ang maayos na paglilipat ng kapangyarihan sa mananalo sa pagka-pangulo sa eleksyon sa susunod na taon.

“As I step down in June 2022, it will be my highest honor to turn over the reins of power to my successor knowing that in my mandate, I did my best to serve the Filipino people,”ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

Manantili naman aniyang “neutral” ang gobyerno sa political dealings sa panahon ng nalalapit na campaign season.

“Neither for or against kami, kalaban o kasama sa partido. We will participate in the exercise of that right,” ayon sa Pangulo, chairperson ng paksyon ng ruling PDP-Laban.

Pinaalalahanan naman niya ang mga 2022 election candidates na i-exercise “utmost caution and prudence” sa pagdaraos ng kanilang campaign-related caravans at rallies.

“Remember that we are still in a pandemic situation and any large gathering may trigger a superspreader event,” anito sabay sabing “Kindly temper your enthusiasm and act reasonably.” Kris Jose