MALINIS NA TUBIG MULA SA WATERSHEDS, PINANANATILING MALINIS NG MGA PUNO

MALINIS NA TUBIG MULA SA WATERSHEDS, PINANANATILING MALINIS NG MGA PUNO

July 4, 2022 @ 10:54 AM 1 month ago


GINUNITA ng bansa ang “Philippine Arbor Day” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 643 noong Hunyo 25, 2022.

 

Isa itong itinalagang araw para mabigyang pansin ang isang “healthier ecosystem” at panawagan para sa “rehabilitation and re-greening” ng ating kapaligiran.

 

Ang National Water Resources Board sa pangunguna ni Dr. Sevillo David, Jr., na siyang executive director, ay nanguna sa pagtatanim ng mga tree seedlings sa La Mesa Dam Nature Reserve.

 

Binigyang-diin ni executive director David na ang pagbibigay proteksyon sa ating mga kagubatan ay pagbibigay proteksyon din sa ating mga sarili. Tandaan natin na ang malinis na tubig na ating iniinom ay nagmumula sa mga watersheds natin na pinananatiling malinis ng mga puno sa paligid nito, kapag ito ay naubos na, wala ng maiinom na malinis na tubig.

 

Ang Manila Water naman ay nagsagawa din ng simultaneous tree planting activities sa Metro Manila at ilang lalawigan.

 

Sa temang “Punong Puno ng Pag-asa”, nagtanim ng 400 seedlings ang mga opisyales at empleyado ng Manila Water sa paligid ng La Mesa Reservoir. Matapos ay nagkaroon ng mga talakayan ukol sa vermicomposting at iba pa.

 

Ang selebrasyon ng Manila Water ng taunang “Arbor Day” ay bahagi ng EESG initiatives nito o Economic, Environmental, Social and Governance.  

 

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobyerno, government-owned and controlled corporation private sectors, at mga paaralan.

 

Kabilang dito ang National Water Resources Board Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources, Quezon City LGU, ABS-CBN Foundation, Quezon City Science High School, at Brent International School. Ang kanilang pakikilahok ay nagpapahiwatig ng kanilang suporta, pakikipagtulungan at pangako sa isang malakas na partnership at commitment na manatili maging champion sustainability.