MALL BRANCHES NG SSS SA NCR, BUKAS TUWING SABADO SA BUONG KAPASKUHAN

MALL BRANCHES NG SSS SA NCR, BUKAS TUWING SABADO SA BUONG KAPASKUHAN

October 18, 2022 @ 4:23 PM 2 months ago


IPINAAALAM ng pamunuan ng Social Security System na ang mga mall-based branches nito sa Metro Manila ay magbubukas tuwing araw ng Sabado hanggang December 31, 2022. 

Ito ay ang mga nasa sumusunod na mga lugar ng Cubao, Las Piñas city, Malabon city, Mandaluyong–Shaw Boulevard, Marikina city, Makati–Chino Roces Avenue, Novaliches, Ortigas, Paranaque city, Paseo de Blas, at sa Taguig city.

Gayundin, may SSS branches sa National Capital Region na magsisimulang tumanggap ng transaksyon ganap na alas-siyete (7:00) ng umaga.

Ang SSS branches na ito ay ang Batasan Hills, Congressional Avenue, Cubao, Deparo, Diliman, Eastwood, Fairview, Caloocan, Malabon, Navotas, Paso de Blas, San Francisco Del Monte, Valenzuela, Antipolo city, Mandaluyong–Shaw Boulevard, Marikina city, Marikina–Malanday, New Panaderos, Pasig–Mabini, Pasig–Pioneer, Pasig–Rosario, San Juan, Binondo, Legarda, Manila, Pasay–Roxas Boulevard, Pasay–Taft Avenue, Sta. Mesa, Tondo, Welcome Rotonda, Alabang–Muntinlupa, Alabang–Zapote, Bicutan–Sun Valley, Las Piñas city, Makati–Chino Roces Avenue, Makati–Gil Puyat Avenue, Makati–Guadalupe, Makati–JP Rizal, Paranaque city, Paranaque–Tambo, Taguig city, at Taguig Gate 3.

Ayon kay SSS president and chief executive officer Michael Regino, naiintindihan umano ng pamunuan na marami sa mga miyembro ang hindi makahanap ng oras para sa kanilang mga transaksyon tuwing weekdays dala ng trabaho kaya minarapat ng state insurance agency na mag-adjust sa kanilang schedule.

Patuloy niyang hinikayat ang mga miyembro, mga benepisyaryo at mga employers na isagawa ang kanilang mga transaksyon gamit ang SSS online channels kabilang ang My.SSS portal na nasa SSS website na www.sss.gov.ph o sa pamamagitan ng SSS mobile application.

Kung may karagdagan katanungan tungkol sa SSS, makinig sa DWBL 1242AM tuwing araw ng Martes o manood sa fanpage page TV RADIO HILDA ONG at HILDA ONG YOUTUBE Channel.