Mall sa Cebu City nasunog; pinsala umabot sa P39M

Mall sa Cebu City nasunog; pinsala umabot sa P39M

January 29, 2022 @ 1:39 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nasunog ang APM Mall sa S. Soriano Avenue, Barangay Mabolo sa Cebu City kahapon, Enero 28.

Tinatayang 62 trak ng bumbero ang nagtulong-tulong para maapula ang sunog na umabot pa sa ikatlong alarma.

Inabot din ng tatlong oras ang insidente bago ideklarang fire out.

Samantala, pumalo sa P39 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog habang 70 establisimyento ang natupok.

Tututukan naman na ito ng Bureau of Fire Protection. RNT/FGDC