Mall sa Puerto Princesa, lumiyab!

Mall sa Puerto Princesa, lumiyab!

December 8, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


PUERTO PRINCESA CITY — Inaaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa isang stall sa loob ng SM City Puerto Princesa, ngayong hapon sa lungsod na ito.

Ayon kay Fire Superintendent Nilo Caabay Jr., Puerto Princesa City Fire marshal, dakong alas-4:16 ng hapon nang magsimula ang sunog sa nasabing mall.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng pamatay-sunog at kahit sa sobrang kapal ng usok agad na naapula ang apoy makalipas ang ilang minuto.

Wala naman naitalang nasugatan o nasawi sa nasabing sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, aabot sa P500,000 hanggang P1 milyon ang halaga ng pinsala sa naturang sunog subalit posibleng pa itong tumaas pagkatapos magpasa ng affidavit ang pamunuan ng mall.

Sinabi ng pulisya na isa sa kanilang tinitingnan na pinagmulan ng sunog ay sa isang chimney ng restoran o faulty electrical wiring. Mary Anne Sapico