Mall voting pag-aaralan ng Comelec

Mall voting pag-aaralan ng Comelec

February 3, 2023 @ 6:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections na magkakaroon na ng pilot testing ang pagboto sa loob ng mga malls ngayong 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa Balitaan sa Tinapayan na maari ding maisagawa ang mall voting dahil nagawa nila na magkaroon ng mall registration.

Gayunman, wala pang binanggit si Laudiangco kung ito ay isasagawa sa buong Pilipinas o sa Metro Manila lamang.

Sa ngayon, tinitignan na lamang nila ang mismong araw ng botohan at ang mga barangay na posibleng magbenepisyo sa mall voting.

Paliwanag ni Laudiangco – hindi kasi dapat malayo sa mga barangay ang mga voting sites kaya kung magkakaroon man ng mall voting ay mapapakinabangan ito ng mga Barangay na malalapit sa mall. Jocelyn Tabangcura-Domenden