Malulusog na ‘monay’ ng manggagawa, nilamutak ng katoma

Malulusog na ‘monay’ ng manggagawa, nilamutak ng katoma

July 11, 2022 @ 3:57 PM 1 month ago


Bulacan- Arestado ang isang 47-anyos na construction worker matapos lamasin ang ang malusog na dibdib ng 32-anyos na babaeng kainuman sa bayan ng Marilao.

Kinilala ang suspek na si Roland Pabo, may asawa, residente ng Brgy.Prenza 1, Marilao habang ang biktima ay itago sa pangalang Marie, live-in partner, factory worker at residente ng Brgy. Camangyanan, Sta.Maria.

Sa report ng Marilao police, nangyari ang insidente bandang alas-8 ng gabi nitong Hulyo 10 sa Brgy. Prenza 1.

Ayon sa report, sa kasagsagan ng tagayan naramdaman ni Marie na siya ay naiihi kaya tumungo sa palikuran.

Lingid sa kaalaman ni Marie ay sinundan siya ni Roland at nang lumabas sa palikuran ay walang kaabog-abog na pinanggigilan at nilamas ang kanyang dibdib.

Dahil dito, agad isinumbong ng biktima sa kasintahan ang nangyari na agad humingi ng saklolo sa mga tanod kaya nahuli ang suspek at isinuko sa pulisya kalaunan.

Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III