Mama talo vs Edwards; Nietes umiskor ng draw

Mama talo vs Edwards; Nietes umiskor ng draw

December 12, 2021 @ 11:13 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinapos  si Filipino boxer Jayson Mama para makuha ang IBF flyweight title nang matalos via unanimous decision kontra sa kampeon na si Sunny Edwards sa Probellum: Revolution card na ginanap sa Coca-Cola Arena in Dubai, UAE.

Nagpakita si Edwards ng dominanteng performance at kinuha ang panalo sa mga hurado sa iskor na 117-110, 118-109, at 118-109.

Samantala, nauwi sa draw ang laban nina Donnie Nietes at Norbelto Jimenez ng Dominican Republic sa eliminator para sa WBA super flyweight title.

Umiskor ang isang hurado sa laban ng 96-94 para kay Nietes, ang isa ay 96-94 pabor kay Jimenez, habang ang pangatlong hurado ay nagbigay ng 95-95 para sa draw decision.

Tampok din saan sa fight card ang laban ng isang pang Pinoy na si WBO bantamweight champion John Riel Casimero pero naospital ito bago ang laban dahil sa virus infection.