Mamamahayag pinatalsik sa National Press Club sa kabulastugan

Mamamahayag pinatalsik sa National Press Club sa kabulastugan

February 16, 2022 @ 5:45 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng National Press Club (NPC) ang pagtanggal sa listahan ng mga miyembro na walang posibilidad na maibalik pa.

Sa joint press conference sa NPC building kasama sina Palace Undersecretary Joel Sy Egco, Executive Director, Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at Atty. Sina Freddie Villamor, si Jaime Aquino na dating provincial correspondent ng Manila Times sa Pangasinan at ang kanyang grupo ay inakusahan ng paggawa ng mga huwad na kaso ng panggagahasa na humantong sa pagkakakulong ng siyam na buwan ni Arkie Manuel Yulde.

Si Yulde, na isang kritiko ng mga pulitiko ay nakulong dahil sa kasong rape at kidnapping na gawa-gawa umano ng grupo ni Aquino kung saan siniraan din umano ang kanyang pangalan at reputasyon sa media, na naging sanhi ng hindi napapanahong pagkamatay ng kanyang mga magulang.

Kamakailan lamang ay pinalaya si Yulde matapos makapagpakita ng ebidensya si Villamor na peke rin ang mga kaso laban sa kanya, kasama na ang umano’y biktima ng panggagahasa.

Sinubukan din ni Aquino at ng kanyang grupo, na binubuo ng kanyang live-in partner, mga manggagawa at iba pang miyembro ng Pangasinan press, ang parehong pandaraya laban sa Cagayan Export Zone Authority (CEZA) administrator at Northern Luzon presidential adviser, Secretary Raul Lambino at ang kanyang asawang si Mangaldan mayor Marilyn Lambino.

Naakusahan ng 10 counts ng rape, child abuse at serious physical injuries si Lambino habang ang kanyang maybahay ay naakusahan ng abuse of authority, grave misconduct, dishonesty at oppression sa Office of the Ombudsman, di umano ng kanilang dalawang dating katulong

Gayunman natuklasan na ang nasabing akusasyon laban kay Lambino ay pawang gawa-gawa lamang ni Aquino.

Sinubukan din ni Aquino na magdagdag ng kredibilidad sa kanyang ginawang senaryo sa pamamagitan ng paglikha ng katauhan ng isang Prof. Salvador de Guzman, tagapangulo ng ‘Citizen Movement Against Crime, Corruption Illegal Drugs and Gambling, Inc.

Sa imbestigasyon nalaman na si Aquino at de Guzman ay iisang tao lamang at ang ‘citizen movement’ na sumusuporta sa umanoy biktima ni Lambino ay isa ring phantom organization.

“We don’t know what is worse—media groups inventing journalists as victims of violence so they can get funding from abroad or, members of the press concocting bogus charges against prominent personalities in exchange for money,” ani Gutierrez.

“We are now announcing the expulsion of Mr. Jaime Aquino from the roster of NPC members without any possibility of reinstatement,” dagdag pa niya.

Nanawagan din NPC sa mga miyembro ng pamamahayag na mahigpit na sumunod sa kanilang Code of Ethics at huwag matuksong gumamit ng mga kriminal na pamamaraan upang kumita ng pera o payagan ang kanilang mga sarili na magamit para sa partisan political activities, lalo na ngayong panahon ng halalan.

Nagpasalamat din ito sa Manila Times sa agarang pagtanggal kay Aquino epektibo January 18, 2022, matapos maghinala sa mga kwento na inihain nito lalo na ang hatchet job sa Lbino couple

Si Aquino ang magiging ikaapat na miyembro ng NPC na opisyal na tinanggal sa organisasyon dahil sa matinding paglabag sa Journalist Code of Ethics at sa mga patakaran nito mula noong 2016. Jocelyn Tabangcura-Domenden