Mamamahayag pinatay sa Calbayog

Mamamahayag pinatay sa Calbayog

December 9, 2021 @ 9:36 AM 1 month ago


SAMAR – Patay matapos na pagbabarilin ang isang mamamahayag sa loob ng kanyang tindahan bandang 6:30 ng hapon, Miyerkoles, sa Calbayog City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jesus “Jess” Malabanan, 58, correspondent ng Manila Standard, Bandera, at Reuters; at residente ng Langka St., Angeles City, Pampanga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nanonood lang umano ng telibisyon ang biktima nang marinig ng kanyang asawa ang malapitang putok ng baril.

Hindi naman niya nagawang mamukhaan o makilala ang dalawang suspek n amabilis na tumakas matapos na barilin sa ulo ng kanyang asawa.

Ideneklarang dead on arrival na si Malabanan nang dalhin sa St. Camillus Hospital sa Calbayog.

Kinondena naman ng Pampanga Press Club ang krimen.

“Jess to many among us, a long-time reporter and stringer for many media outfits for many years, had proven himself to be a man dedicated to his duties as a journalist.”

Hinikayat din nila ang Philippine National Police at iba pang awtoridad na tutukan ang kaso para mapanagot ang nasa likod ng krimen. RNT