MAMASAPANO case muling pinabubuksan

MAMASAPANO case muling pinabubuksan

December 21, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umapela si Atty. Ferdie Topacio sa Ombudsman na muling buksan ang kaso ng Mamasapano o SAF 44 na pitong taon na aniyang hindi pa nakakamit ang hustisya.

Ngayong may pelikula na ang MAMASAPANO kung saan producer si Topacio at kasali sa Metro Manila Film Festival, sinabi niya sa Kapihan sa Manila Bay na umaasa siya na ma-engganyo ang Ombudsman na buksan muli ang kaso.

“Hindi ko sinasabing ang conclusion niya is sumunod dun sa movie, it is just a movie–although base on the historical event,” pahayag ni Topacio patungkol kay Ombudsman Samuel Martires.

Giit ni Topacio, nais lamang niya na maudyukan ang Ombudsman na sa pamamagitan ng pelikula ay buksan at imbestigahan muli at wala nang iba pa.

Naniniwala naman si Topacio na hindi ganun kahina ang Ombudsman na dahil lamang sa pelikula ay maiimpluwensyahan.

“He is a former Associate Justice of the Supreme Court –hindi siya maiimpluwensyahan ng pelikula,” dagdag pa ni Topacio.

Ayon kay Topacio nakatakda silang maghain ng “motion to re-open” hinggil sa kaso.

Samantala, binatikos ni Topacio ang kasalukuyang sistema ng pagpapalabas ng pelikula sa bansa.

Aniya, kadalasan ang mga sinehan ay nakabase sa gross profit at hindi sa kalidad ng pelikula.

Sa ganitong pagkakataon, giniit ni Topacio na dapat suportahan ng pamahalaan ang film industry sa pamamagitan ng pag-subsifize sa mga sinehan. Jocelyn Tabangcura-Domenden