Management ng BTS, aangkinin ang humahawak sa career nina Justin at Ariana!

Management ng BTS, aangkinin ang humahawak sa career nina Justin at Ariana!

April 3, 2021 @ 2:44 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsiyo ng ahensiya sa likod ng K-Pop phenomenon na BTS na bibilhin nito sa halagang $1.05 billion ang kumpanya sa Amerika na humahawak sa karera nina Justin Bieber, Ariana Grande at ilan pang sikat na mang-aawit.

 

Ang HYBE o dating Big Hit Entertainment, ay mag-i-invest ng 1.07 trillion won o katumbas na US$950 million sa US counterpart o unit para mabili ang Ithaca Holdings sa pamumuno ng American media entrepreneur na si Scooter Braun.

 

Ibig sabihin nito, ang South Korean firm “will acquire its wholly owned subsidiary HYBE America, a 100% stake in Ithaca Holdings.

 

Ayon kay Braun, ang naturang merger “is an opportunity for us to make history and further innovate music industry.” Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •