Manager ng bangko, naglaho tangay ang milyong pera ng 2 depositor

Manager ng bangko, naglaho tangay ang milyong pera ng 2 depositor

January 15, 2021 @ 6:38 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nawawala ang isang manager ng EastWest Bank tangay umano ang milyong pera ng dawalang depositor nito.

Naunang isiniwalat ni ACT CIS Party-list representative Nina Taduran ang insidente ng pagkatangay sa hindi pa batid na halaga ng milyones mula sa dalawang depositor nito.

Kinumpirma naman ng EastWest Bank ang ulat at sinabing isa sa branch manager nito “has gone missing together with the deposits of her two customers with whom she had been transacting for years.”

“We have been in touch with the two affected depositors. They have been informed that an internal investigation is ongoing and that we will credit back to their account the amount taken,” ayon sa bangko.

Sa kabila nito, siniguro naman ng bangko ang kaligtasan ng pera at proteksyon ng kanilang mga depositor.

“EastWest will always stand by its commitment to protect depositors’ and customers’ money. The issue is limited to one branch but nonetheless we shall put in place additional system-wide safeguards to make sure this isolated incident does not happen again.”

Hindi na isinapubliko ang halaga ng perang nawala alang-alang sa “confidentiality” pero sinabing ang halaga ay “not significant especially as the bank has been among the Top 3 most profitable banks in the country in the past four years.”

SAMANTALA, iniimbestigahan na umano ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang reklamo.

 “The BSP continues to ensure the safety and integrity of the financial system through the strict implementation of banking regulations,” ayon sa Central bank. RNT


  •  
  •  
  •