Manager ni Bea, nagbitiw sa PAMI!

Manager ni Bea, nagbitiw sa PAMI!

October 15, 2022 @ 12:08 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ang talent manager na si Dolor Guevarra ang pinakiusapan ng kapwa manager na si Shirley Kuan na ipost sa kanilang Viber group ang pagbibitiw nito sa kanilang grupo.

Si Shirley o SK kung tawagin ay manager ni Bea Alonzo.

Ang grupo namang kinabibilangan nila bilang founding members ay ang PAMI o Professional Artist Managers, Inc.

May 28 taon nang nag-e-exist ang naturang samahan.

Ayon sa post na ginawa ni Dolor para kay Shirley: “It is now evident to me why PAMI is silent on bullying by another PAMI member. It is only tantamount to PAMI supporting bulies and bulying. I resign.”

Hindi makuhang banggitin ni Shirley ang pangalan ni Lolit na isa ring miyembro ng grupo ng mga manager.

Sa halip ay bully ang tawag niya rito base sa aniya’y mga unprovoked attacks laban kay Bea.

Sa ngayon, hinihintay pa ang reaksyon ni June Rufino na presidente ng PAMI kaugnay ng pagbibitiw ni Shirley.

Samantala, ipinost naman ni Lolit sa Instagram na nagtataka raw siya kung bakit bully ang tawag sa kanya gayong siya nga raw ang binu-bully ni Shirley.

Damay rin si Dolor sa ani Lolit ay kakampi ni Shirley para i-bully siya.

Marami namang showbiz observers ang sang-ayon sa katwiran ni Shirley.

Matagal na raw kasing tinitira ni Lolit si Bea mula nang lumipat ito sa GMA even before the actress’ event kung saan hindi pinaimbita ni Shirley si Lolit at dalawa pang reporter na malapit dito.

Dapat daw noon pa lang ay gumawa na ng hakbang ang PAMI para i-address ang isyung sangkot ang mga miyembro nito.

Ano kaya ang mga repercussions ng pagbibitiw ni Shirley?

Katanggap-tanggap ba ang obserbasyon ni Shirley na sinusuportahan ng PAMI ang bullying among its members?

Your reaction, Ms. June Rufino. Ronnie Carrasco III