Mananaya sa Laguna wagi sa P83.7M Mega Lotto jackpot

Mananaya sa Laguna wagi sa P83.7M Mega Lotto jackpot

December 11, 2021 @ 1:38 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Solong napanalunan ng mananaya mula sa Laguna ang MegaLotto 6/45 na may jackpot prize na Php83,757,220.80 sa katatapos na draw kagabi sa Mandaluyong City.

Ito na ang ikatlong milyonaryo sa palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa buwan ng Disyembre makaraang mahulaan ang winning combination na 33-27-18-42-03-23.

Sa kalatas ng ahensya, nabili ang maswerteng tiket sa isang outlet sa Santa Rosa, Laguna. Nasa 52 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig P32,000.00 matapos na makakuha ng limang kombinasyon.

Kasabay ng draw kagabi ang UltraLotto 6/58 na may premyong P49,500.000.00 na hindi tinamaan ng mananaya, subalit dalawang katao naman ang makakuha ng tig P120,000.00 makaraang mahulaan ng mga ito ang limang kombinasyon.

Hinimok naman ni PCSO General Manager, Royina M. Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang sa ganun ay madagdagan ang pondo na pantulong sa mga health program, medical assistance at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan na walang pambayad sa ospital at pambili ng gamot.

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan lang na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja