Mananaya sa Maynila wagi sa P16M Lotto 6/42 jackpot

Mananaya sa Maynila wagi sa P16M Lotto 6/42 jackpot

November 26, 2021 @ 12:58 PM 2 days ago


Manila, Philippines  – Napanalunan na ng isang mananaya sa Maynila bang P16 milyong jackpot para sa Lotto 6/42, batay sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa kalatas, tagumpay na nahulaan ang 38 – 41 – 21 – 28 – 02 – 13 sa Lotto 6/42 na may  jackpot prize na16,037,716.20 na binola noong Huwebes ng gabi.

Habang may 34 mananaya rin ang nanalo ng P24,000 na nakahula ng limang digit sa winning combination.  RNT/FGDC/Toto Nabaja