MONUMENTO NI KIETH ABSALON SA MASBATE

June 16, 2022 @5:15 PM
Views:
50
NITONG nagdaang linggo, pinasinayaan na ang monumento sa Masbate Sports Complex para sa football star na si Kieth Absalon, isang 21 anyos na binatang walang ibang hangarin kundi mapalawig pa ang kakayahan sa larangan ng palakasan.
Ngunit nasayang lamang ang buhay nang kitilin ng mga halang ang kaluluwang komunistang-teroristang New People’s Army (NPA), ang armadong unit ng Communist Party of the Philippines – National Democratic Front (CPP-NDF).
Isang taon na ang nakalipas mula nang pasabugan ng mga walang hiyang NPA ang biktima ng itinanim nitong anti-personnel mine sa dinaanan nina Kieth na sakay ng kanila bisikleta kasama ang kanyang mga kaanak na ikinamatay din ng kanyang pinsan na si Nolven.
Matapos pasabugan ay pinuntahan pa ng mga NPA ang mga katawan ng mga biktima upang siguruhing patay na ang mga ito. Nang nakitang may buhay pa habang nakabulagta at taas kamay na nagmamakaawa ay pinagbabaril pa sila sa tiyak na kamatayan.
Ito ba ang ating mga dapat kausapin pang muli para humarap sa usaping kapayapaan? Mga taong mali ang paniniwala at nakapipinsala. Sila ba ang dapat pa nating unawain?
Palagay ko’y hindi na. Ang iniwan na lang nilang pasakit at kalungkutan sa mga naulila ng kanilang biktima, ay ‘di na malilimutan. Hindi na hinaharap ang mga taong ganito, upang pag-usapan pa ang kapayapaan.
Kitang kita sa mga pangyayari ‘di lamang sa sinapit nila Kieth at Nolven, kundi sa marami pang buhay na nawala, ang dala ng lagpas limangpung taon nang panggugulo ng CPP-NPA-NDF.
Ang susunod na administrasyon na nangakong itutuloy ang mga nasimulan ng Administrasyong Duterte na makipaglaban at makipagsabayan sa mga komunistang-terorista ay dapat nang tuparin upang matiyak na ang paghahari-harian ng CPP-NPA-NDF ay tunay na magwakas na.
Wala nang ibang paraan kundi ang lipulin ang mga hunghang na ito na pahirap lamang sa bansa.
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
DOH sa publiko: Humingi ng bagong VaxCertPH code

February 7, 2022 @7:02 PM
Views:
436
Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health na ang lahat ng indibidwal na nakapag-generate na ng kanilang digital COVID-19 vaccine certificates sa VaxCertPH ay dapat mag-request ng bagong bersyon.
Ito ay dahil sa nakapag-update na ang VaxCertPH ng bagong features.
Sinabi naman ng DOH na maaaring i-regenerate ang code sa vaxcert.doh.gov.ph o magtungo sa lugar na pinagbakunahan.
Kalakip sa VaxCertPH ang personal data ng holder, brand at lot number ng bakuna, lugar, at date kung kailan ito naiturok.
Mayroon ding QR code na gagamitin sa Vaccination Information Management System.
Habang maaari rin itong ‘digital proof of vaccination’ sa mga magtutungo sa ibang bansa. RNT/FGDC
COVID SA US, 1M KADA ARAW; EU, 50M SA NAKARAANG LINGGO

January 7, 2022 @7:39 PM
Views:
526
BEIJING, CHINA – Tinataya ng mga eksperto sa United States at China na malapit nang magkaroon ang United States ng isang milyong kaso ng COVID-19 habang nagkaroon naman ng 50 milyong kaso sa European Union.
Ginawa ang pagtaya ng mga eksperto batay sa nagaganap ngayon sa US na paglalaro ng may impeksyon sa 989,012 nitong Enero 4, 221 at sinumdan ito ng 916,000 kinabukasan; Enero 6 – 757,999; at Enero 7 – 758,93.
Dalawang malalaking dahilan umano ang nagtutulak ng grabeng dami ng may impeksyon – ang sobrang pagtitiwala sa bakuna na sinasabayan ng pagbalewala sa mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
Pinuna ng mga eksperto ang pagselebra ng mga Amerikano ng Bagong Taon na walang suot na face mask, paghahalikan at pagyayakapan at dikitang mga sayawan.
Sa Europa naman, sa kabila ng mga istriktong patakaran sa pagbabakuna, health protocol at lockdown, marami ang sadyang ayaw magpabakuna at gusto ring hindi na magsuot ng mga face mask at mag-social distaning.
Kaya naman, sa nakaraang buong linggo, iniulat na nagka-COVID ang nasa 50 miyong Europeo mula sa 27 miyembro ng EU, partikular ang nasa 17 bansa na kinabibilangan ng Italy na may mahigit 200,000 biktima araw-araw; France – 300,000; United Kingdom – nasa 200,000; at Spain – 150,000-300,000.
Ngayon sinasabing nagsimula nang malunod ang mga ospital ng mga pasyente na sinasabayan ng pagkakasakit ng mga doktor at nars kaya masama na ang kalagayan ng mga sistemang pangkalusugan sa mga ito o pag-aasikaso sa mga maysakit.
Bagama’t hindi gaanong nakamamatay ang Omicron variant na sanhi ng maramihan at mabilisang paglobo ng mga nagkaka-COVID, posible umanong magkaroon na rin ng maraming kamatayan lalo’t kakambal ng Omicron variant ang Delta variant na kilalang mabagsik sa buhay ng tao. FRED CABALBAG
Mga galing sa Africa, ban sa UK, Europa atbp. sa bagong COVID variant

November 26, 2021 @8:48 PM
Views:
410
NAGSIMULA nang pagbawalan ng United Kingdom, Europa, Israel at Singapore at iba pa ang sinomang manggagaling sa ilang bansa sa Africa upang mapigilan ang pagpasok sa kanila ng bagong labis na nakahahawang coronavirus variant.
Nagaganap ito makaraang magkaroon ng kaso ng nasabing variant na B.1.1.529 sa South Africa, Botswana, Hong Kong at Israel.
Una ang UK at the Netherlands na nagsara na ng anomang biyahe sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Eswatini o Swaziland at Lesotho.
Sumunod na ring itinuring na nasa red list ng Israel, Italy at Singapore ang nasabing mga bansa sa Africa, kasama ang Mozambique.
Itinuturing na red list sa COVID-19 ang isang bansa kung may 500 kaso kada 100,000 mamamayan sa nakalipas na 28 araw at kung ganoon, bawal ang pagtanggap sa sinomang nanggagaling mula rito, bukod lang ang mga umuuwing Pilipino.
Sa ngayon, kasama sa green list ang South Africa habang sa yellow list ang Botswana.
Sa green list countries, halos walang pagbabawal sa mga pagpasok at paglabas sa mga ito habang sa yellow list countries, gaya ng Pilipinas, naririyan ang limitadong paglabas o pagpasok.
Ayon sa mga nag-aaral sa bagong variant, may 30 itong mutation o uri ng virus kumpara sa dalawa sa Delta variant na nananalasa sa buong mundo, partikular sa Europa.
Pinangangambahang higit na mabagsik ito at nasa 75 porsyento na ito kumpara sa iba pang mga variant sa South Africa.
Maaari umanong hindi uubra o magiging epektibo rito ang mga bakuna na nakaugnay ang pagkakagawa sa virus na nagsimula sa Wuhan, China.
Nagbababala na rin ang World Health Organization sa posibleng pagkalat nito sa mundo kung walang gawing pag-iingat ang mga bansa. FRED CABALBAG
1SAMBAYAN UMAASANG SI VP LENI ANG MANANALO SA ELECTION; SAANG SURVEY?

October 6, 2021 @5:31 PM
Views:
342