Mandato sa job contracting rerebyuhin ng DOLE

Mandato sa job contracting rerebyuhin ng DOLE

July 5, 2022 @ 8:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tinitingnan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na suriin ang mga kautusan nito partikular sa job contracting o pag-avail ng contracting arrangement ng mga pribadong kompanya.

“We will review the department issuances related to such work arrangements and we will try to make sure that it will be abused,” sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa isang panayam nitong Lunes.

Sinabi ni Laguesma na hindi lahat ng anyo ng job contracting o availment ng contracting arrangements ay ipinagbabawal.

Sinabi pa ni Laguesma na kinikilala ng Labor Code of the Philippines ang mga contracting out arrangement. Ito ay maliwanag sa industriya ng konstruksiyon kung saan maraming trabaho ang bawat proyekto.

Idinagdag ni Laguesma na handa silang makipagtulungan sa mga mambabatas sa paggawa ng batas para wakasan ang kontraktwalisasyon.

“We are ready to cooperate (with) both Houses of Congress, the House of Representatives and the Senate, chairperson on (the) committee on labor and employment. Our goal here is to provide information, if what we see is relatively acceptable on both sides,” anang kalihim.

Sinabi ni Laguesma na ang DOLE ay para sa isang panukalang batas na magbibigay ng trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden