Mandatory COVID jabs inihirit ng IATF- Año

Mandatory COVID jabs inihirit ng IATF- Año

January 3, 2022 @ 2:15 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Isinusulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mandatory vaccination laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng virus nitong nagdaang kapaskuhan.

Habang kinakailangan ng batas para rito, iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na may kapangyarihan ang local government units (LGUs) ang ipatupad ang panukala.

“Gusto sana natin talagang gawing mandatory (vaccination) ito pero nga wala tayong batas except ‘yung mga local government units, may kapangyarihan sila diyan,’’ sabi ni Año.

Patuloy niya, pinag-iisipan ng IATF ang mas mura o libreng COVID-19 tests, samantalang sinisilip naman ng pamahalaan ang libreng antigen test kits.

“Pinag-uusapan ‘yan sa IATF (meetings) pati rin ‘yung viability na magbigay din ng mga antigen test kit,’’ aniya.

Nilinaw ng DILG chief na wala pa ring napapag-kasunduan ang task force members ukol sa libre o mas murang COVID-19 testing kits. RNT/SA