Mandatory drug tests para sa celebrities inihirit ng solon

Mandatory drug tests para sa celebrities inihirit ng solon

October 3, 2022 @ 11:52 AM 6 months ago


MANILA, Philippines- Inihirit ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert “Ace” Barbers na sumailalim ang mga aktor sa mandatory drug tests bago tumanggap ng acting project. 

Sinabi ni Barbers na dapat gawing rekisitos ng producers, directors at maging TV stations na sumailalim ang mga aktor sa drug tests bago sila kunin.

“The past several years meron pong mga inidolo ng bayan na mga artista na talagang nasangkot sa ilegal na droga. Sa aking palagay, ito ay makakaimpluwensiya sa ating mga kabataan,” pahayag niya.

“Sa aking paniwala, siguro dapat sa industriya ng pelikula e siguro dahil ito ang malapit sa puso ng tao…siguro dapat malinis ang kanilang mga imahe at hindi sangkot sa masamang bisyong ito.”

Ang mungkahi ng mambabatas ay kasunod ng pagkakaaresto sa aktor na si Dominic Roco aat apat na kasama sa buy-bust operation. 

Si Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na taon-taon siyang sumasailalim sa drug tests. Aniya pa, hinihikayat din niya ang mga kapwa mambabatas  na maging mabuting ehemplo at boluntaryong magpa-drug test. RNT/SA