MANDATORY FACE MASK SA SENIORS SA INDOORS, LABAG SA BOR

MANDATORY FACE MASK SA SENIORS SA INDOORS, LABAG SA BOR

September 17, 2022 @ 12:26 AM 1 week ago


TAHASANG sinabi ni Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. founding Chairman Dr. Michael Raymond Aragon na isang paglabag sa Constitutional Bill of Rights (Article 3 Section 1) ang ipapatupad na mandatory face mask sa indoor places, public utility vehicles sa mga matatanda at immuno-compromised na indibidwal dahil walang batas na nagtatakda rito.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ng KSMBPI chairman na labag sa Bill of Rights ito ukol sa karapatang malayang makapamuhay ng isang indibwal.

Bagama’t siya ay isang pro-facemask advocate at hindi tutol sa pagsusuot ng facemask bilang proteksyon laban sa COVID-19, dapat lamang daw na may kaukulangang batas ang dalawang kapulungan ng kongreso na ipinasa at nilagdaan naman ng Pangulo upang sa ganoon ay hindi malabag ang karapatan ng isang indibidwal.

Binigyang linaw pa ni Aragon na limitado rin ang ibinigay na kapangyarihan ng kongreso sa Pangulo sa pagdedeklara ng public health emergency.

Ikinatuwa naman ni Cebu Mayor Mike Rama ang naging desisyon ng pamahalaan na sundan ang kanilang naunang hakbangin na gawing voluntary o optional na lamang ang pagsusuot ng face mask.

                                                                              PCol. Ferdie Del Rosario
Marami ang tiyak na natuwa sa pagkaka-appoint kay PCol. Ferdie del Rosario bilang bagong hepe ng Caloocan City Police Station dahil parang si ret. Gen. Guillermo Eleazar ito kung pag-uusapan ang pagiging malapit nito sa media bukod sa pagiging action man din nito.

Mabait sa mga kapwa-pulis at siyempre sa mga mamamahayag pero hindi uubra sa kanya ang mga abusado at tamad na alagad ng batas.

Sa kanya, dapat dedicated at walang kinikilingan, dapat kahit anong estado ng tao na kelangan ng tulong ay dapat na agad pagsibilhan at dapat maging magalang pero matigas sa mga kriminal!

Wala rin tayong masasabi sa kanyang pinalitang si Col. Samuel Mina dahil mismong si dating alkalde at ngayo’y Congressman Oca Malapitan at anak na ngayo’y ama ng lungsod, si Mayor Along Malapitan, ang bilib sa kanya dahil sa dedikasyon sa trabaho.

May all your tribe multiply!