Mandatory facemask luwagan-solon

Mandatory facemask luwagan-solon

September 6, 2022 @ 9:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang health authorities na pag-aralan at makahanap ng kompormiso kaugnay sa pagluwag sa polisiya ng pagsusuot ng face masks.

Ayon kay Villafuerte ,suportado niya ang hakbang ng Cebu City Government na huwag nang gawing obligatory ang pagsusuot ng face mask.

Aniya, maaaring gawing mandatory ang pagsusuot ng facemask sa Metro Manila at mga lugar na may mataas pa ring kaso ng COVID-19, subalit sa mga lugar na mababa na ang kaso ay maaaring gawin na lamang itong boluntaryo.

“Isuot na lang face masks sa indoor areas lalo na kung may air conditioning, transportasyon, at high-risk areas tulad ng ospital at gawing mandatory ito sa nakatatanda, buntis at may comorbidity”paliwanag ni Villafuerte.

Mungkahi ni Villafuerte na sakali man na magdesisyon ang pamahalaan na panatilihin ang obligatory use ng face mask ay dapat itong magbigay ng libreng mask sa mga mahihirap lalo pa at nasa P3 hanggang P5 ang presyo ng mas habang mas mahal pa kung ito ay magandang klase.

Ani Villafuerte sa hirap ng buhay sa kasalukuyan ay dagdag gastos pa ang face mask na sa halip ay ipambili na lamang ng pagkain. Gail Mendoza