Mandatory gender neutral school uniform iginiit sa Senado

Mandatory gender neutral school uniform iginiit sa Senado

March 14, 2023 @ 4:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang mambabatas ang mandatory gender-neutral uniform option sa paaralan partikular sa pagbibigay ng alternatibong pamamaraan ang babaeng estudyante na mag-suot ng bestida sa halip na pantalon.

Natuklasan na inihain ni Senador Raffy Tulfo ang Senate Bill No. 1986 na naglalayong itaguyod ang “freedom of choice, gender equality and safety” sa lahat ng mag-aaral sa anumang antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

“The right of young women to wear trousers to school needs to be a given, and not a privilege that needs to be argued for in each individual case,” ayon sa panukala.

Bukod sa pagbabasura sa tradisyon na nagging “potential to fuel gender inequality,” tinukoy ni Tulfo ang pagiging kimbinyente sa pagsusuot mng pantalon sa pang-araw-araw na Gawain kabilang ang paglalakbay patungo o galinga sa paaralan partikular kapag nakasakay sa motorsiklo.

Aniya, kung nakasuot ng pantalon ang kababaihan, maiiwasan nito na makagat ng dengue mosquito na nakukuha palagi sa loob ng paaralan na nakapagtala na mahigit 220,000 kaso sa buong bansa.

“Our students require greater safety as classes also coincide with the rainy season where dengue cases are at peak,” ayon sa senador.

“To save lives and mitigate infection, wearing long sleeves and pants is one of the easy precautions one may take to avoid getting bitten by mosquitoes that spread dengue,” giit pa niya.

Ipinunto pa ni Tulfo na kailangan mabigyan ng alternatibo na makatutulong sa kababaihan na dumadanas ng isyu sa hubog ng katawan at maiwasan ang harassment.

“All schools from elementary to college shall make equal and flexible choices of school uniform for everyone,” ani Tulfo. Ernie Reyes