Mandatory onsite work para lang sa mga nakarehistro sa PEZA – DTI

Mandatory onsite work para lang sa mga nakarehistro sa PEZA – DTI

March 29, 2022 @ 10:36 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng Department of Trade and Industry nitong Lunes na tanging mga kompanya na rehistrado sa Philippine Economic Zone Authority ang pinababalik sa onsite operations. 

“This rule applies only to business enterprises registered with PEZA pursuant to the PEZA law,” ani DTI Secretary Ramon Lopez.

Ang mga kompanya naman an hindi rehistrado sa PEZA “have more flexibility as to the degree of WFH [work from home] arrangements that is suitable to their operations,” dagdag ni Lopez.

Ito ang naging pahayag ni Lopez sa gitna ng mga panawagan mula sa mga BPO worker at mga kompanya na palawigin ang work from home at remote work setups. Karamihan sa mga BPO ay PEZA-registered.

Ayon din kay Lopez, hindi pinapayagan ng batas ang hybrid work setup.

“If PEZA-registered companies intend to adopt a hybrid WFH arrangement, especially if justified by the nature of their operations, e.g. service-exports, the same can only be adopted by revising the PEZA Law and CREATE [Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises] Act,” giit ni Lopez.

Matatandaang isinusulong ng mga kompaya ng IT at Business Process Management firms have ang hybrid work setup, na anila ay susi upang hindi mawala ang mga highly skilled worker na ayaw magtrabaho sa mga opisina. RNT/SA