Mandatory retirement age sa private sector kalusin-solon

Mandatory retirement age sa private sector kalusin-solon

August 4, 2022 @ 3:44 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ipinanukala ng isang mambabatas ang pagkalos ng mandatory retirement age sa mga manggagawa sa private sector.

Iginiit ni Senior Citizen partylist Rep Rodolfo Ordanes na mahayaan ang mga senior citizen na makapagpatuloy sa pagtatrabaho hanggang sa kaya pa naman ng kanilang pangangatawan at walang isyung pangkalusugan.

“Actually itong aking bill, yung mga senior citizens na kaya pang magtrabaho. Halimbawa ito yung magre-retire sa isang kumpanya pero gusto pang magtrabaho, at ang employer naman ay willing siyang, ika ngang i-employ muli”paliwanag ni Ordanes hinggil sa kanyang panukala.

Sinabi ni Ordanes na sakaling maisabatas ay inirerekomenda nyang walang maging parusa na ipapataw sa mga employer.

“Pero wala akong nakikitang dapat na parusahan, kasi nga kung ayaw na rin nga, kung nararamdaman ng employer na medyo humihina na si lolo o si lola, eh pwede naman niyang ipa-retire.Kahit na gustuhin pa ni lolo, kung nakikita naman ng employer ika nga mabagal na mag-isip, mabagal na gumalaw, eh that will be the time na pwede na siguro siya i-retire,” pagtatapos pa ng solon. RNT