Mandatory ROTC bill dinepensahan nina Bato, Gatchalian

Mandatory ROTC bill dinepensahan nina Bato, Gatchalian

March 5, 2023 @ 4:17 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kapwa sinuportahan nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Win Gatchalian ang pagbuhay sa panukalang mandatory Reserve Officers Training Corps program sa gitna ng panukalang ibasura ito matapos mamatay sa hazing ang isang estudyante ng Adamson University.

Pangunahing awtor sina Dela Rosa at Gatchalian ng panukalang Mandatory Basic Reserve Officers’ Training Corps sa Senado.

Sa press statement, itinuturing ni Dela Rosa na pawang “desperate move” ang panawagang ibasura ang ROTC bills mula sa grupong komokontra sa training program.

“What a desperate move from anti-ROTC leftist group. What is the connection? The victim died because of fraternity hazing and not of ROTC training,” ayon kay Dela Rosa.

Ipinaliwanag ni Dela Rosa na magdudulot ang ROTC bill sa paglikha ng local grievance boards at isang national grievance and monitoring committee na magsasagawa ng imbestigasyon kaagad sa napaulat o nakitang pang-aabuso na nagaa sa ilalim ng ROTC program.

Sinabi pa ni Dela Rosa na kapag ginawang opitional ang ROTC program, maisusulong nito ang “optional defense of the country” laban sa bantang pang-seguridad at soberenya.

“Kung gusto natin na ipagpatuloy na gawing optional ang ROTC, at kapag tayo ay nilusob ng ibang bansa gaya ng China, gagawin na rin nating optional ang pagdepensa ng ating bansa, at isasantabi natin ang ating Constitution na nagsasabing tungkulin ng bawat Pilipino ang pagdepensa ng estado, ayon kay Dela Rosa.

Umaasa si Dela Rosa na makapagdedeliber siya ng sponsorship speech sa panukalang ROTC revival bill bago mag-adjourn ang regular session ng Senado sa Marso 25 at posibleng maratipika bago matapos ang taon.

Samantala, nilinaw naman ni Gatchalian na namatay si Salilig sa hazing na isinagawa ng ilang indibiduwal na walang Respeto sa rule of law na kinasasangkutan ng Tau Gamma Phi sa insidente.

Aniya, tanging layunin ng ROTC na magtanim ng disiplina at good citizenship sa kabataan.

Binatikos naman ni Christopher Lawrence Go ang ideya na iniuugnay ang ROTC program sa nakaraang insidente ng hazing saka iginiit na hindi dapat mailto ang taumbayan dahil walang kinalaman ang ROTC sa nangyari kay Salilig.

“It’s different things, the hazing, and ROTC. We want to teach our youth with proper discipline, love of country, the spirit of ‘bayanihan’ (cooperation) as well as respect for others,” ayon kay Go.

Tiniyak din ni go na hindi kailangan ang karahasan sa pamamagitan ng hazing sa military training para sa miyembro ng ROTC.

Samantala, ipinananawagan naman ni Senador Grace Poe sa awtoridad na istriktong implementasyon ng Anti-Hazing Law.

“Fraternity-related deaths have not stopped, and sadly, the implementation of the Anti-Hazing Law has been wanting,” aniya. “We must see to it that our laws can protect our children who engage in activities that supposedly espouse good citizenship and fellowship.”

Kasabay nito, hiniling din ni Poe na dapat mabigyan ng katarungan ang biktima upang maiwasan ang pagpapalawak ng “culture of impunity sa kabataan.” Ernie Reyes