Mandatory ROTC bill, ipapasa sa unang yugto ng 2023–Bato

Mandatory ROTC bill, ipapasa sa unang yugto ng 2023–Bato

November 30, 2022 @ 1:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na maipapasa ng Senado ang Mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC) Bill sa unang yugto ng 2023 bilang priority bill ng administrasyon.

Sa interview, sinabi ni Dela Rosa na hindi maaaring maipasa ang panukala sa taong kasalukuyan dahil magpapahinga ang Kongreso simula Disyembre 17 hanggang Enero.

Sa ginanap na pagdinig, inihain ng Commission on Higher Education (CHED) ang isang consensus bill na na magkakaroon ng two-year mandatory National Service Training Program (NSTP) at four-year optional Reserve Officer Training Corps (ROTC) curriculum para sa higher education students.

Ngunit, ipinunto ni Senador Sherin Gatchalian na nakapokus ang panukala ng administrasyon sa civic duty tulad ng disaster preparedness, at hindi military training para sa estudyante.

“Wala ako nakitang military training in this curriculum…If we are going to bring back ROTC but there is no significant difference between the [Civic Welfare Training Service] and the NCST, parang mina-mandatory lang natin yung CWTS,” ani Gatchalian.

“If the citizen-soldier training is only a small component, then actually we are not bringing back ROTC. We are just enhancing NSTP,” dagdag niya.

Sinabi ni Dela Rosa na isang pinagdedebatehang isyu sa panukala kung aling komisyon o lupon ang magmomonitor at hahawak ng ROTC program. Hindi rin exempted ang sinuman sa panukala dahnil sa gender o relihiyon.

“Gusto ninyo gender equality. Ayaw niyo i-consider kayo na weaker sex. So mahalin natin ang ating bansa. Sama-sama tayo dito,” ani Dela Rosa.

“Kung aatakihin tayo dito ng kalaban, ‘di lang naman lalaki ang tatamaan ng bala, pati babae naman tatamaan ng bala ng kalaban. So tulungan natin depensahan ang ating bansa,” giit niya.

Hindi maaaring makapagtapos ang sinumang estudyante kundi ito dumaan sa military training, ayon kay dela Rosa.

Ibinasura ang mandatory ROTC program noong 2022 matapos maipasa ang Republic Act 9163, na nagtayo ng NSTP. Ernie Reyes