Mandatory ROTC bill ipinapabasura kasunod ng AdU stude hazing slay

Mandatory ROTC bill ipinapabasura kasunod ng AdU stude hazing slay

March 3, 2023 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Suportado ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang panawagan na ibasura na ang panukalang gagawing mandatoryo ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ito ay kasunod ng insidente ng pagkamatay ng hinihinalang hazing victim na si John Matthew Salilig.

“Scrap the bill making ROTC mandatory. Make it only optional to those who are ‘militarily inclined’ or interested in military matters,” ani Pimentel.

Sa kabila nito, ipinagtanggol naman nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Sherwin Gatchalian ang naturang panukala.

Sina Dela Rosa at Gatchalian ang pangunahing may-akda sa mandatory ROTC bills.

“What a desperate move from anti-ROTC leftist group. What is the connection? The victim died because of fraternity hazing and not of ROTC training,” tugon ni Dela Rosa patungkol dito.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Gatchalian na layon ng ROTC na alisin ang mga insidente ng hazing sa pamamagitan ng pagpapaigting ng disiplina sa mga kabataan.

“The death of John Salilig that was caused by hazing was perpetuated by individuals who have absolutely no respect for the rule of law. The goal of ROTC, on the other hand, is to inculcate discipline and good citizenship among the youth,” sinabi pa ni Gatchalian.

“It is precisely incidents like these that ROTC intends to eliminate by molding our youth to respect our country and one another,” dagdag niya.

Aniya, ang mandatory ROTC bill ay “airtight and equipped with safeguards that will prevent abuses from happening.” RNT/JGC