Mandatory ROTC malaking tulong sa disaster response-Padilla

Mandatory ROTC malaking tulong sa disaster response-Padilla

July 29, 2022 @ 9:57 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Malaking maitutulong ng disiplinadong paggalaw sa pagtugon sa kalamidad tulad ng lindol na yumanig sa Hilagang Luzon nitong Miyerkules, ani Senador Robinhood “Robin” Padilla.

Ani Padilla, isa itong dahilan kung bakit niya ihinain ang Senate Bill 236, o ang pagbabalik ng Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC).

“Kung buo ang ROTC natin, ang daling tawagin. Kapag tinawag mo, organisado na sila, naka-platoon na sila, ang dali na silang utusan. Meron lang sinusunod na discipline, meron nang commander,” idiniin ni Padilla sa panayam.

“Sa akin, hindi pinaguusapan ang military training. Magkaroon lang tayo ng organized,” dagdag ng mambabatas, na nagsilbi bilang reserve officer sa Philippine Army.

Idiniin ni Padila na kailangan ang disiplina at command structure para mabilis at maayos ang pag-mobilize ng tulong.

Ayon sa Senate Bill 236 na ihinain ni Padilla, ibabalik ang ROTC bilang requirement sa undergraduate degree o diploma programs sa pampubliko at pribadong tertiary-level na paaralan.

“The restoration of the ROTC program will arm our youth with the competence and readiness required in serving our country to ensure the security of the State and our people,” ani Padilla sa panukalang batas.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang Basic ROTC Program ay may training sa:

* External and Territorial Defense
* Internal Security, Peace and Order and Public Safety
* Disaster Risk Reduction and Management
* Human Rights and Humanitarian Law

Exempted ang mga “physically or mentally unfit to render military service,” ang persons with disability, at mga na-convict sa criminal offenses involving moral turpitude.

Exempted din ang mga may isyu dahil sa pananampalataya, at ang mga dumaan na sa “similar military trainng from a previous undergraduate degree or diploma program.” Ernie Reyes